Honda Atlas Pakistan, sarado hanggang katapusan ng Abril

Honda Atlas Pakistan, sarado hanggang katapusan ng Abril

PALALAWIGIN pa ng Honda Atlas Cars Pakistan Limited ang pagsasara ng kanilang planta ngayong taon.

Inisyal na magbabalik-operasyon sana ang kanilang planta nitong March 31 kasunod sa pagpapasara noong March 8.

Subalit inanunsiyo ng Honda Atlas Pakistan na magsasara pa rin ito hanggang Abril 15, 2023.

Hindi pa naging sapat, mula Abril 16 ay muling palalawigin na naman ang pagsasara hanggang Abril 30.

Tinutukoy na dahilan dito ay ang krisis pang-ekonomiya, paghinto ng foreign payments, at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter