Houston Rockets tinalo ang Warriors; may pag-asa pa sa NBA playoffs

Houston Rockets tinalo ang Warriors; may pag-asa pa sa NBA playoffs

TILA hindi pa tapos ang laban para sa Houston Rockets matapos nilang talunin ang Golden State Warriors sa score na 131-116, Game 5 ng Western Conference series.

Sa panalong ito, naibaba nila ang kalamangan ng Warriors sa 3-2 at nakaligtas mula sa eliminations.

Pinangunahan ni Fred VanVleet ang Rockets na may 26 na puntos, sinundan ni Amen Thompson na may 25 at Dillon Brooks na may 24.

Lumamang naman ng hanggang 31 points ang Houston, dahilan upang ipahinga ni Warriors coach Steve Kerr sina Stephen Curry at iba pang starters sa 3rd quarter.

Bagama’t nakaiskor si Curry ng tres sa second quarter, nanatiling dominante ang Houston sa depensa.

Umabot sa 76-49 ang kanilang lamang sa halftime, sa tulong ng limang steals ni Thompson.

Nagtapos si Curry na may 13 puntos, habang si Moses Moody ang nanguna sa Warriors na may 25 puntos.

Sa huling bahagi naman ng laro ay tila nagkaroon din ng tensyon matapos ma-eject si Pat Spencer ng Warriors dahil sa headbutt kay Alperen Sengun, na muntik nang mag-triple-double.

Magaganap ang Game 6 sa home court ng Golden State ngayong Biyernes. Ang mananalo sa serye ay makakaharap ng panalo sa pagitan ng Lakers at Timberwolves.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble