Ilang kompanya ng eroplano nagdagdag ng domestic flights

Ilang kompanya ng eroplano nagdagdag ng domestic flights

IPINAGMAMALAKI ng AirAsia Philippines na nakapagpalipad ito ng higit 33,000 na mga pasahero sa mga nangungunang destinasyon sa bansa nitong nagdaang Semana Santa.

Sa panayam ng SMNI News Team kay AirAsia Philippine Spokesperson Steve Dailisan, tumaas sa 93 percent ang bilang ng mga pasaherong bumiyahe ngayong taon ng Semana Santa simula Abril 11 hangang 17, 2022 o umabot sa kabuuang 33,917 kumpara sa parehong panahon noong 2021 na umabot lamang sa 2,366 na mga pasahero.

Bago kasi ang pandemic, umaabot sa higit 52,000 na mga pasahero sa panahon din ng Holy Week ang naililipad ng AirAsia sa ibat ibang destinasyon ng bansa.

Ibig sabihin, nagpapatunay lamang na mataas na ang kumpiyansa ng mga manlalakbay na magbiyahe sa ngayon.

Dahil din sa mataas na demand ngayon ng mga pangunahing domestic destination sa bansa, itinaas rin sa 28 percent ng AirAsia ang kanilang flight frequency na kinabibilangan ng biyaheng Caticlan, Kalibo, Tagbilaran, Puerto Prinsesa, Bacolod, habang pinanatili naman nila ang bilang ng kanilang mga biyahe patungong Cagayan de Oro City, Davao, Iloilo, Tacloban, Zamboanga at Dumaguete.

Inaasahan din ng World ‘s Best Low-Cost Airline na magpapalipad ito ng 103,986 na pasahero papasok at palabas ng Metro Manila sa NAIA Terminal 4 sa susunod na buwan sa mga nangungunang limang destinasyon na nabanggit.

Nakapagtala rin ang AirAsia Philippines ng kabuuang 738 flight na lumipad para sa buwan ng Marso habang 503 flight na ang napalipad nito noong April 1-17 lamang, at inaasahang aabot pa ito ng isang libo bago matapos ang buwang ito.

Samantala inihayag din ng Cebu Pacific na habang ibinabalik ng naturang airlines ang 100% ng kapasidad nito bago ang pandemya ngayong summer season, magdadagdag ito ng mas maraming flight para sa mga pasahero  sa Visayas at Mindanao para galugarin pa nila ang  mas maraming local destination na hindi na kailangang dumaan sa Maynila.

Ngayong buwan, ang airline ay nagpapatuloy ng mga direktang paglipad nito sa apat (4) na bagong destinasyon mula Cebu – patungong Calbayog, Surigao, Puerto Princesa, at Legazpi pabalik.

Sa ngayon ang CEB ay mga kabuuang 21 direct flight sa domestic destination nito.

Dagdag pa rito, ang mga flight sa 18 iba pang direktang flight ng CEB mula sa Cebu ay tumaas din para makapagserbisyo ng mas ligtas sa mga Cebuano – katulad ng Manila, Davao, Iloilo, Zamboanga, Coron, Boracay, Cagayan de Oro, Bacolod, Clark, General Santos, Siargao, Tacloban, Dumaguete, Pagadian, Butuan, Ozamis, Camiguin, at Dipolog.

Dahil din sa tumataas na bilang araw-araw ng mga nagbibiyahe, pinapayuhan ang mga mananakay na pumunta sa paliparan nang hindi bababa sa 3 oras bago ang kanilang pag-alis at pinapayuhan din na mag-check-in sa pamamagitan ng AirAsia Super App o sa pamamagitan ng self-check-in kiosk sa paliparan upang mapadali at walang magiging  problema sa  paglalakbay.

Follow SMNI News on Twitter