Japan, nag-anunsyo para sa ikaapat na pag-release ng nuclear contaminated na tubig

Japan, nag-anunsyo para sa ikaapat na pag-release ng nuclear contaminated na tubig

NAKATAKDANG mag-release nuclear contaminated na tubig ang Japan sa Pebrero sa susunod na taon.

Ito ay ayon sa Tokyo Electric Power Company (TEPCO).

Ito na ang ikaapat na beses na nagrelease ng nuclear contaminated water ang Japan.

Tinatayang aabot sa nasa 7,800 tonelada ang volume ng tubig.

Inaasahang magsisimula ang pagrelease sa katapusan ng buwan ng Pebrero at magtatapos sa Marso.

Samantala, matatandaang nagsimula ng pag-release ng nuclear-contaminated wastewater ang Japan mula sa Fukushima plant noong Agosto.

Matatandaan ring nasira ang Fukushima Daiichi plant noong Marso 2011 matapos ang magnitude 9 na lindol, na siyang naging dahilan ng pag-meltdown ng tatlong nuclear reactors sa Japan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble