TARGET ng pamahalaan ng Thailand na tapusin ang high speed railway project nito na nagkokonekta sa China sa taong 2028.
Nangako ang Transport and Foreign Affairs Ministries officials na tatapusin nila ang 609-kilometer line sa loob ng 6 na taon.
Kamakailan lang ay nakipagpulong sina Chinese Foreign Minister Wang Yi kay Thai Prime Minister Prayut Chan-Ocha at Foreign Affairs Minister Don Pramudwinai sa Bangkok upang pag-usapan ang proyekto.
Ang nasabing railway project na ito ay komokonekta mula sa Bangkok patungo sa border ng Laos at Nong Khai.
Nagpahayag naman ang ilang mga analyst na isang mabuting balita ang pagtatayo sa nasabing railway project dahil matutulungan nitong mapalago ang ekonomiya sa ibang lugar.
Samantala, nasa 5 porsiyento pa ng kabuuang proyekto ang natapos ng mga manggagawa sa Thailand.
