K Brosas, maghahandog ng silver anniversary concert ngayong Hulyo

K Brosas, maghahandog ng silver anniversary concert ngayong Hulyo

KANTAHAN, tawanan at kasiyahan. Isa lamang ‘yan sa ihahandog ng Filipino-American singer, actress at comedian na si K Brosas sa kaniyang ’25K’ concert.

Sa official post ng concert producer na Cornerstone and MQuest Ventures sa Instagram, inanunsiyo nila ang mga detalye para sa upcoming silver anniversary concert ni Brosas, ngayong Hulyo 27, 2025, sa New Frontier Theater.

Kilala si Maria Carmela Brosas o Kakai bilang isang aktres at komedyante. Nagsimula naman siya sa kaniyang career bilang lead vocalist ng Gladys and the Boxers hanggang sa tinawag na “K and the boxers.”

Naging host din siya ng isang noon time show mula 2001 hanggang 2003. At nabigyan ng role sa ilang Filipino films tulad ng “Northern Lights: A journey to love,” at “Will You Marry?” Pati na sa ilang TV dramas sa bansa.

Ang ’25K’ concert ay idi-direk ng kaniyang kapwa artista na si John Prats.

Kaya kung gusto mong ma-experience ang isang concert na puno ng kantahan at katatawanan, huwag mag-alala dahil available pa ang ticket nito sa ticketnet.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble