Kapatid ni Michael Yang, inaresto sa pamemeke ng dokumento, iligal na paggamit ng alias

Kapatid ni Michael Yang, inaresto sa pamemeke ng dokumento, iligal na paggamit ng alias

INARESTO ng Pasay City Police ang kapatid ng dating Presidential Economic Adviser Michael Yang na si Tony Yang.

Batay ito sa warrant of arrest laban sa kaniya para sa mga kasong falsification of public document, perjury, at paglabag sa batas ukol sa paggamit ng alias.

Ang warrant of arrest naman ay inilabas ng Municipal Trial Court Branch 2 sa Cagayan De Oro City noong Nobyembre 22, 2024.

Matatandaan na noong Oktubre 2024 nang maghain ang National Bureau of Investigation (NBI) ng 16 na kaso laban kay Tony Yang.

Batay sa imbestigasyon, gumamit si Tony Yang ng iba’t ibang alias upang magtatag at magrehistro ng maraming kompanya sa Securities and Exchange Commission Sa Cagayan de Oro City.

Lumabas din na itinago niya ang kaniyang pagiging Chinese national at kumuha ng pekeng Filipino birth certificate.

Kasalukuyang naka-detain si Tony Yang sa Pasay City Jail.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble