SIMULA na ngayong araw ang trabaho ng Philippine House of Representatives sa paghimay sa 2023 proposed national budget at nai-turnover na ito sa kanila.
Ayon kay House Appropriations Committee Senior Vice-Chairman Stella Quimbo, nitong nakaraang linggo ay nag-umpisa na silang magkaroon ng informal briefers sa committee level para sa pambansang pondo.
Ang pinakaunang budget hearing naman sa committee level ay mangyayari ngayong Biyernes hanggang September 16 katuwang ang Development Budget Coordinating Council (DBCC).
Ngayong September 21 ang schedule nila para sa plenary debates at tiwala sila na hindi na gaano hahaba pa ang talakayan sa committee level.
Target nilang maipasa sa third and final reading ang P5.268-trillion budget ngayong October 1.
