Bagyong Florita, lumakas pa at isa nang tropical storm; Signal number 2, nakataas sa ilang lugar sa Luzon

Bagyong Florita, lumakas pa at isa nang tropical storm; Signal number 2, nakataas sa ilang lugar sa Luzon

LUMAKAS pa at isa nang tropical storm ang bagyong Florita habang kumikilos pakanluran timog-kanluran sa Philippine Sea.

Sa 11am tropical cyclone bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng mata ng bagyo sa layong 215 km silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 km malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 90 km.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa eastern portion ng Cagayan, eastern portion ng Isabela, extreme northern portion ng Aurora at northeastern portion ng Quirino.

Signal number 1 naman sa natitirang bahagi ng Cagayan, natitirang bahagi ng Isabela, natitirang bahagi ng Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, northern portion ng Aurora at northern portion ng Polillo Island.

 

Follow SMNI News on Twitter