Kiefer Ravena, umaasa ng mas magandang kalusugan sa 2nd half ng season ng B.League

Kiefer Ravena, umaasa ng mas magandang kalusugan sa 2nd half ng season ng B.League

UMAASA si Kiefer Ravena para sa mas maayos na kalusugan upang mas mapataas pa ang kanilang puwesto sa second half ng 2022-2023 season ng B.League.

Matatandaan na matapos itong magtamo ng leg injury ay napwersa itong hindi makapaglaro ng 10 laro para sa Shiga Lakes.

Bagaman nakakapaglaro na si Ravena ay sinabi nito na hindi pa rin ito pasok sa kanyang usual standards dahil sa ngayon ay may average points itong 10.0, 3.63 assists, 1.68 rebounds at 1.05 steals para sa Lakes ngayong season.

Ani Ravena, ngayong nakarekober na siya sa natamo nitong injury ay nais nitong matulungan ang kanyang team na magkaroon ng mas maraming panalo.

Ang B.League ay mayroong relegation system at nanganganib ang Lakes na malaglag sa second division dahil sa 4-25 nitong record. Kiefer Ravena

Follow SMNI NEWS in Twitter