IPINAGDIWANG ng hari ng United Kingdom na si King Charles III ang kanyang unang kaarawan bilang monarko kasama ang pagpapakuha ng bagong litrato para sa bagong tungkulin nito bilang ranger ng Windsor Great Park.
Sa kanyang ika-74 na kaarawan nagkaroon ng ceremonial gun salutes na isinagawa sa London.
Tumugtog naman ng “Happy Birthday” song ang military band sa Changing of the Grand Guard Ceremony sa labas ng Buckingham Palace.
Ito ang unang pagkakataon na nagdiwang ng kaarawan ang monarch king nang maupo sa puwesto mahigit 2 buwan.
Ang kaarawan ni King Charles III ay kasabay ng Remembrance Sunday na nagbibigay ng pagkilala sa mga sundalo ng Britanya na nasawi sa giyera sa Cenotaph sa London.