Kongresista na kaapelyido ni Cong. Arnie Teves, nilinaw na hindi sila magkamag-anak

Kongresista na kaapelyido ni Cong. Arnie Teves, nilinaw na hindi sila magkamag-anak

MARIING iginiit ni TGP Party-list Rep. Bong Teves na hindi sila magkamag-anak ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves na itinuturong mastermind sa pagkamatay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ani Teves, apektado ang kaniyang pamilya sa insidente dahil sa tindi ng mga balitang nagdadawit sa kanilang apelyido.

Tinatanong aniya kasi ang kaniyang mga anak, kung ano ang nangyari kay Degamo dahil magka-apelyido sila ng sinasabing mastermind sa krimen.

Sa isang privilege speech, sinabi ni Teves na nagmula sa Catanduanes ang kaniyang pamilya at walang kinalaman sa probinsya ni Degamo.

Nanawagan naman si Teves sa mga media outlet na kumpletuhin ang pagbabalita at linawin ang pangalan ng mga nasasangkot sa Degamo slay case.

Lalo na’t ‘may ibang pamilya Teves na galing sa ibang pook na wala namang kinalaman sa kaso.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram