Korea Pres. Yoon, nagbabala ng pagwawakas sa military pact kasama ang Pyongyang

Korea Pres. Yoon, nagbabala ng pagwawakas sa military pact kasama ang Pyongyang

INIHAYAG ni South Korean Pres. Yoon Suk Yeol na ikinukunsidera nito ang pagsuspinde sa 2018 Inter-Korean Military Pact kung lalabag ang Norte at muling papasukin ang airspace ng bansa.

Ang komentong ito ay inilabas ni Yoon matapos ang pagpupulong ukol sa pagpasok ng North Korean drones sa bansa noong nakaraang linggo.

Sa pagpupulong ay ipinag-utos ni Yoon sa national security office na ikunsidera ang pagsuspinde sa validity ng military agreement kasama ang North Korea kung magkakaroon muli ng bagong probokasyon sa teritoryo nito.

Ayon sa 2018 deal sa pagitan ni North Korean Leader Kim Jong Un at South Korean President Moon Jae In, titigilan ng dalawang bansa ang lahat ng uri ng hostile acts gaya ng no fly zone sa mga border nito at pagtatanggal ng landmines at guard posts sa demilitarized zone.

Kung hindi na susundin ang kasunduang ito ay posibleng ibalik ang mga guard post, live fire drills sa dating no fly zone at propaganda broadcast sa mga border nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter