HANDA na ang lalawigan ng Lanao del Norte para sa kauna-unahang pagganap ng bansa sa 6th Organic Asia Congress na magpauunlad sa Department of Agriculture (DA) ng Pilipinas.
Sa unang pagkakataon, magiging host ang Pilipinas sa 6th Organic Asia Congress na dadaluhan ng iba’t ibang agriculturist sa buong Asya.
Ayon kay Kauswagan Municipality Mayor Rommel Arnado, ang Pilipinas ang mag-hohost sa tinatawag na organic agriculture event sa buong mundo sa 2023.
“Ito ay 5 back to back event, mga pangunahing organisasyon sa buong mundo na nagpro-promote ng organik na agrikultura. Maraming-marami itong epekto hindi lamang sa agrikultura, hindi sa pagkain, kundi pati na rin sa promosyon ng turismo sa Mindanao. Ito rin ang isla na sumusuporta sa iba’t ibang ekonomiko sa ating pambansang tagapamahala sa usaping turismo din. Nahuli kasi ang development natin pagdating sa turismo.”
“Dito naman talaga ang pinakamagandang lugar na dapat ipakita natin. Ito ay pagbabahagi ng pinakamahusay na kagawian mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo, kaya dito mo makikita ang kakaibang karanasan at gawi sa organik na agrikultura. Kung interesado kang malaman kung paano lumawak, naging matagumpay at maunlad ang organik na agrikultura sa iba’t ibang panig ng buong mundo ay makikita at maririnig sa susunod na linggo,” ayon kay Mayor Rommel Arnado, Kauswagan Lanao del Norte.
Hinikayat din ni Executive Director Feng Li ang mga kabataan na makiisa sa nasabing organic agriculture lalo na sa pagsasaka.
“Isa sa mga mission para sa IFOAM Asia nasa loob nang maraming taong kailangan maging handa dahil sa kakaunti na lang sa mga kabataan ang humahakbang sa bawat kontinente. At ilan lang sa kanila ang sa agrikultura at talagang gusto nila ng isang kaharian na gawing madaling i-akma ang ganitong uri ng pamumuhay. Minsan natatakot sila na maalis sa lipunan at mahiwalay dito,” ayon kay Executive Director Feng Li ng International Federation of Organic Agriculture Movements (IFOAM).
Dagdag pa ni Mayor Arnado, malaki ang maitutulong ng gaganaping aktibidad sa pagpauunlad sa mga programa sa sektor ng pagsasaka sa bansa.
At ang Pilipinas ay patuloy na makikipagkumpitensiya sa pag-unlad ng organikong agrikultura sa buong mundo.