DINALUHAN ng mga kabataan ang leadership at basic military training bilang depensa sa CPP-NPA-NDF.
Upang makaiwas sa mga panlilinlang ng mga CPP-NPA-NDF lalo na sa mga kabataan, sumailalim sa isang boot camp leadership training ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) na isang inisyatiba ng Philippine National Police (PNP).
Matatapos ngayong-araw ang 2-day youth leadership boot camp na may temang “D2 kami: Droga’y Durugin, Komunismo at masamang gawain ay iwaksi”

Dinaluhan ito ng 36 na miyembro ng KKDAT-Pasig City at KKDAT-Antipolo.
Sumailalim ang mga ito sa iba’t-ibang mga aktibidad gaya ng physical conditioning, boodle fight, na sumisimbolo sa pagkakapatiran at pagkakapantay pantay.
Pero higit sa lahat, sentro ng kanilang pagdalo ang ilang mga lectures mula sa 104th coy RMFB 4a, practical exercises; leadership and team building activities.
Kasama din ang paglagda ng kanilang manifesto bilang pagsuporta sa programa ng pamahalaan laban sa komunsimo at insurhensya sa pangunguna ng NTF-ELCAC.
Tinuruan din ang mga kabataan ng basic handgun familiarization at obstacle course and airsoft firing.
Nagkaroon din sila ng pagkakataon na makinig ng mga testimonya ng mga dating kasapi at mga kadre ng NPA.

Dito isinalaysay sa mga kalahok ang iba’t ibang paraan, istilo at stratehiya o paraan ng panlilinlang ng mga CPP-NPA-NDF legal fronts sa mga kabataan sa komunidad at maging sa mga eskwelahan.
Ayon kay Pasig City Chief of Police PCol Roman C. Arugay, layon ng aktibidad na ihanda ang mga kabataan na maging maagap sa pagkondena sa mga iligal na gawain ng mga komunista at makakaliwang grupo na posibleng maging tulay para maka recruit ang mga ito na sumapi sa kanilang samahan.
Sa kabilang banda, inaasahan na magiging katuwang ang mga kabataang ito ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan at pagpapalakas ng kanilang pananampalatay sa diyos at paghahatid ng kaalaman sa mga kabataan na iwaksi ang iligal na gawain ng CPP-NPA-NDF sa bansa.
