Lebel ng tubig sa Angat Dam, posibleng sumadsad pa—PAGASA

Lebel ng tubig sa Angat Dam, posibleng sumadsad pa—PAGASA

POSIBLENG sumadsad pa ang lebel ng tubig sa Angat Dam ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Hindi inaalis ng Hydro-Meteorology Division ng PAGASA ang posibilidad na mas bumaba pa ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Ito ay kung magtutuloy-tuloy wala pa ring mga pag-ulan sa lugar ng Angat Dam na maaring makapagdagdag sa lebel ng tubig ng dam.

Alas-6 ng umaga, Hulyo 6 ay bumaba pa sa 180.89 meters ang lebel ng tubig sa dam.

Ayon kay PAGASA Senior Hydrologist Oyie Pagulayan, oras na sumadsad ito sa 180 meters na operating level ay asahan na magkakaroon ng mga water service interruption.

Isa sa mga rekomendasyon ng PAGASA ay bawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon sa mga water concessionnaire na nagsusuplay sa Metro Manila.

Ito naman ang tugon ni Dr. Sevillo David ng NWRB ukol dito.

“Ang desisyon ng board, kapag bumaba siya ng 180 meters ay mag-aadjust tayo ng allocation. So, for MWSS ay magiging 48 cubic meters per second siya and then for NIA ay maximum up to 20 cubic meters per second,” ani Dr. Sevillo David, Executive Director, NWRB.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter