Leonardo DiCaprio kinilala bilang Entertainer of the Year

Leonardo DiCaprio kinilala bilang Entertainer of the Year

Kinilala muli ang American actor and film producer na si Leonardo DiCaprio ng Time Magazine ngayong taon matapos siyang hirangin bilang Entertainer of the Year 2025.

Pinarangalan ang aktor dahil sa kaniyang mahusay na pagganap sa pelikulang “One Battle After Another,” isang black comedy film.

Ginampanan ni DiCaprio ang isang dating rebolusyonaryo na nabubuhay sa matinding pag-iingat kasama ang kanyang anak, hanggang sa muling sumulpot ang isang kaaway na hindi niya naharap sa loob ng 16 na taon.

One big achievement naman ito para sa “One Battle After Another” dahil, maliban sa parangal para sa kanilang lead actor na si DiCaprio, nangunguna ang pelikula sa pagha-hakot ng nominations sa 2026 Golden Globe.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble