Pasok na rin sa semifinals ang San Antonio Spurs matapos talunin ang Los Angeles Lakers sa kanilang quarterfinals match.
Halos dinomina ng Spurs ang buong laro kung saan nagtapos ang kanilang iskor sa 132–119.
Tumulong sa panalo ng team si Stephon Castle na may double-double na 30 points at 10 rebounds, habang nag-ambag ng 20 points si De’Aaron Fox.
Nagawang magwagi ng San Antonio kahit wala ang kanilang center at power forward na si Victor Wembanyama.
Maghahaharap sa semis sa West ang San Antonio at Oklahoma City Thunder sa Linggo, Disyembre 14.
