Pastor Apollo: Huwag iboto ang mga communist lovers

Pastor Apollo: Huwag iboto ang mga communist lovers

MULING nagpaalala si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na huwag iboto ang mga tinatawag na communist lovers o ang mga kandidatong sumusuporta sa mga komunista na walang ibang motibo kundi ang pumatay, magnakaw at manira ng mga buhay.

Ayon kay Pastor Apollo mayroon nang pamantayan kung sino ang dapat iboto ngayong nalalapit na eleksyon.

‘’Ang iboboto natin ay yung may interes ng kapakanan ng taong bayan. Meron na tayong template of leadership ngayon sa administration na ito ang iboboto natin,’’ayon kay Pastor Apollo.

At bilang kilalang taga suporta ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na lumalaban sa communist rebellion sa bansa matindi ang naging paalala nito laban sa mga communist lovers.

‘’Basta communist lover wag nating iboto. Ipagbibili tayo per kilo niyan, lalakas na naman yung mga nananalasa at salot ng ating bansa, biro mo i-adopt mo yung mga ganun? (NPA?) ngayon pa lang nakikita mo na compromising na sila diba. So itong Pacquiao slate, yung mga presdientiable na tulad nya wag ninyong iboto iyan,’’ayon sa butihing Pastor.

‘’Pagka communist lover, mga kapatid wag nating iboto, ang presidentiable nayan yung party ni Pacquiao nayan, communist lover siya, Pacman is a communist lover, wag nating iboto,’’dagdag nito.

SMNI NEWS