LTFRB, muling binuksan ang aplikasyon para sa PUV consolidation

LTFRB, muling binuksan ang aplikasyon para sa PUV consolidation

MULING binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Public Utility Vehicle (PUV) consolidation application sa ilalim ng Public Transport Modernization Program.

Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, tugon ito sa hiling ng Senado na palawigin o bigyan ng pagkakataon ang mga PUV operators at drivers na hindi pa nakapag-consolidate.

Mayroon naman na hanggang Nobyembre 28 ang mga unconsolidated PUV na maghain ng aplikasyon.

Pero paglilinaw ni Guadiz, maaari lamang sumali ang mga ito sa mga existing cooperatives at hindi na maaaring bumuo ng bagong kooperatiba.

Kung maaalala, Abril 30 ngayong taon nang tinapos ng LTFRB ang consolidation matapos ang makailang beses na pagpapalawig nito.

Sa datos naman ng Department of Transportation (DOTr), umaabot sa 36,217 na PUVs ang hindi pa nakapag-konsolida.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble