PINAG-UTOS ng Manila Local Government Unit ang suspensiyon ng face-to-face classes bukas, Biyernes, at sa susunod na araw, Sabado, dahil sa inaasahang epekto ng bagyong Opong.
Batay sa advisory ng LGU, suspendido ang lahat ng face-to-face classes sa pribado at pampublikong paaralan sa lahat ng antas. Sa halip, ipagpapatuloy ang pagkatuto sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM).
Ipinabatid rin na ang suspensiyon ay ipatutupad hanggang Sabado, habang patuloy na minomonitor ng lokal na pamahalaan ang lagay ng panahon, kabilang ang malakas na pag-ulan, hangin, at posibleng pagbaha sa lungsod.
