BIBIGYAN ng karampatang aksyon ang mga empleyado ng gobyerno ng Malaysia sa mga hindi pa nabakunahan bago ang Nobyembre 1.
Inihayag ng Public Services Department (PSD) na ang mga hindi pa nabakunahan na mga empleyado bago sumapit ang buwan ng Nobyembre ay bibigyan ng karampatang parusa.

Ayon sa PSD ang mga hindi pa nabakunahan dahil sa komplikasyon sa kalusugan ay kailangang magsumite ng medical reports na beripikado ng gobyerno.
Aniya, ang mga indibidwal na hindi pa nabakunahan bago ang Nobyembre 1 ay sasailalim sa disciplinary action alinsunod sa public officers (conduct and discipline) regulations 1993.
Ang nasabing kautusan ay naa-ayon sa pagsisikap ng gobyerno na maibalik sa normal ang serbisyo ng publiko batay sa estado ng national recovery plan.
Sa ngayon ay 98% na ng civil servants ang nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 habang halos 16,900 pa ang hindi nakapagparehistro.
Samantala, matatandaan na nauna nang inanunsyo ng gobyerno na bibigyan ng karampatang aksyon ang sinumang tumanggi na mabakunahan.
