Covid-19 lockdown sa Ho Chi Minh City, winakasan na

Covid-19 lockdown sa Ho Chi Minh City, winakasan na

WINAKASAN na ang Covid-19 lockdown sa Ho Chi Minh City.

Maari nang lumabas nang kanilang mga pamamahay ang mga mamamayan sa Ho Chi Minh City sa Vietnam matapos ang mahabang pagpapatupad ng lockdown dahil narin sa kaso ng COVID-19.

Nagtapos na ang lockdown sa Ho Chi Minh City.

Ito ang inihayag ng health ministry ng bansa nitong nakaraang -araw.

Kaya malaya nang lumabas ang mga mamamayan sa nasabing lungsod subalit pinapayuhan parin ang lahat na sumunod sa lahat ng health protocols ng pamahalaan.

Kinakailangang sumunod pa rin sa ipinapatupad na social distancing.

Habang suspendido parin ang pagbubukas ng mga paaralan maging ang mga public transportation at pag lalakbay sa labas ng lugar.

Samantala, pinamamadali naman ng pamahalaan ng Vietnam na mabakunahan ang mga mamamayan nito ng COVID-19 vaccine.

SMNI NEWS