NAG-IMBENTO ng makabagong drone prototype ang mga mag-aaral sa Cambodia.
Gumawa ng prototype drone ang mga kabataan sa Cambodia na pwedeng masakyan ng mga tao sa Phnom Penh.
Ang nasabing prototype drone ay inimbento ng mga mag-aaral sa Cambodia ng National Polytechnic Institute of Cambodia College (NPICC).

“The drone, when we see it flying without a pilot, there is a lot of shaking, but when I sit on it and fly… it becomes more stable and I feel so excited,”ayon kay Lonh Vannsith, drone pilot.
Mayroon itong walong propellers at isang school chair bilang upuan ng pilot ng drone.
Kayang ilipad ng prototype drone ang 60 kilograms na bigat, sa loob nga lang ng 10 minuto na may distansiyang 1 kilomentro.
Samantala, ayon sa mga mananaliksik inabot sila ng tatlong taon para sa pag-develop sa nasabing proyekto kung saan umabot sa $20,000 ang nagastos upang maisakatuparan ito.
“In principle, if we make one drone, the cost is expensive but if we make them to sell on the market, the cost will go down,”ayon kay Sarin Sereyvatha isang studyante.
