ARESTADO ang 12 iligal na imigrante kabilang ang 7 pilipino sa ginanap na raid ng OPS Benteng sa estado ng Sarawak nitong linggo.
Ayon sa Sarawak police commissioner na si Datuk Aidi Ismail, unang naengkwentro ng General Operation Force (GOF) ang 7 pilipino na mga kalalakihan na kahina-hinala sa kanilang lugar dakong alas-sais ng gabi.

Batay sa pagsusuri napag-alaman na ang mga nadakip ay pawang mga pilipino na nasa edad 20 hanggang 54 taong gulang at walang mga sapat na dokumento.
“The GOF Limbang team proceeded to detain the men, who are all Filipinos, and upon checking, found all did not possess any valid travel documents,”ayon kay Aidi.
Ang pangalawang insidente ay naganap dakong 8:15 pm sa Jalan Nanga San sa Sibu nang mahuli ng GOF ang 5 indonesian na may edad 6 at 41 taong gulang at natagpuan din na walang valid travel documents.
Dagdag nito,ang lahat ng mga naaresto ay sinisiyasat sa ilalim ng immigration act 1963,anti-trafficking in persons and anti-smuggling of migrants act 2007, customs act 1967, dangerous drugs act 1952 at iba pang batas.
Samantala, sinabi ni Aidi na ang OPS Benteng COVID operations ay isinagawa mula Enero 1 ngayong taon hanggang Setyembre 27 kung saan nasa kabuuang 626 illegal immigrants ang nadakip at ipinag utos na bumalik sa kanilang bansang pinanggalingan sa lalong madaling panahon.
