NAGPAPASAKLOLO ang mga mangingisda sa Palawan sa nakatakdang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris.
Payak at tahimik ang umaga ng mga taga-barangay Bagong Silang, Puerto Princesa City isang araw bago ang nakatakdang pagbisita ni US VP Harris sa Palawan.
Para sa mga residente, to the rescue ang dating ng pagpunta ni Harris sa kanilang lugar.
Lalo na’t nakararanas ng harassment ang mga mangingisda ng Palawan sa China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
“Maganda rin naman dahil pinapakita lang nila yung tinatawag na kaalyado po natin sila. So wala namang sinabi na nandiyan sila show of force. Wala naman po siguro. Ang kinaganda lang doon na mayroon po tayong tinatawag na kaalyado. O pinapatibay lang natin yung alyansa natin sa US,” pahayag ni Brgy. Chairman Reynaldo Taneo, Bagong Silang, Puerto Princesa City.
Ang 2014 Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay ang kasunduang militar ng Pilipinas at Amerika.
Nakapaloob dito ang pagkakaroon ng joint military exercises at disaster at relief operations ng dalawang bansa.
Pati na ang pagtatayo ng US ng EDCA military bases sa iba’t ibang lugar sa bansa na popondohan ng US Government.
Kaya nang malaman ng mangingisdang si Randel na papunta sa Palawan ang mataas na opisyal ng US ay proteksyon ang panagawan nila sa mga Amerikano laban sa harassment ng Chinese vessel sa West Philippine Sea.
“Hinarang kami sa Coast Guard ng China dalawang beses… oo second Thomas. Ang sabi nila hindi raw naming teritoryo, magbalik daw to the Philippines kay this is my territory yun ang sabi nila sa Coast Guard at Chinese. Kaya maghingi sana kami ng proteksyon sa gobyerno na sana ma-ano yan sila sa West Philippine Sea,” ayon kay Randel Daño, mangingisda sa West Philippine Sea.
Pangingisda ang pangunahing kabuhayan ng mga taga Palawan.
Ang kabisera na Puerto Princesa ang bagsakan ng lahat ng produkto.
Araw-araw ganito ka-busy ka busy ang ating mga kababayan sa Puerto Princesa Fish Port kung saan ang bagsakan ng huli ng mga mangingisda mula sa laot.
Ganito rin ka busy ang pagdiskarga ng mga kargamento mula sa mga kargo ship papasok ng Puerto Princesa. Kaya ang araw-araw na buhay dito ay napaka-abala.
