Regional Comprehensive Economic Partnership, dapat nang maratipikahan – DTI

Regional Comprehensive Economic Partnership, dapat nang maratipikahan – DTI

DAPAT maratipikahan na ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa buwan ng Disyembre ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay DTI Sec. Alfredo Pascual, inaasahang aabot sa 10.47% ang itataas ng export ng bansa kung mararatipikahan ang RCEP.

May ambag din ito na 2.02% sa Gross Domestic Product (GDP).

Sa panig ni Senate President Migz Zubiri, hindi pa naibigay ng mga economic manager ng Marcos admin ang RCEP para matalakay nila ito sa Senado.

 

Follow SMNI News on Twitter