NAGSAGAWA ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng validation and assessment sa mga naulilang pamilya ng limang CAFGU Active Auxiliary (CAA).
Ang nasabing assessment ay ginawa upang maipaabot ang nararapat na tulong pangkabuhayan at bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga nasawing CAA.
Samantala, nagpaabot din ng pinansiyal na tulong ang tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development sa limang naulilang pamilya.
Bukod pa ito sa mga tulong na pinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng Tagkawayan, Tanggapan ng Punong Panlalawigan, at ng Kasundaluhan at Kapulisan.
Pinasalamatan naman ni Lieutenant Colonel Jonson ang Battalion Commander ng 85IB, ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa patuloy na pagsuporta para sa mga naiwang pamilya ng ating mga bayaning CAA.
Kung matatandaan, nasawi ang limang CAFGU Active Auxiliary matapos ang ginawang pag-atake ng mga komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF.
