Mahigit 200 estudyante mula sa Mapulot Nat’l High School, lumahok sa information drive ng kasundaluhan

Mahigit 200 estudyante mula sa Mapulot Nat’l High School, lumahok sa information drive ng kasundaluhan

AABOT sa 285 estudyante at 17 guro ang lumahok sa isinagawang Information Awareness Drive ng kasundaluhan sa Mapulot National High School, Tagkawayan, Quezon.

Ang nabanggit na aktibidad ay pinangunahan ng kasundaluhan ng 85IB sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Joel R Jonson katuwang ang Tagkawayan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Eric L. Veluz.

Layon ng naturang information drive na mabigyan ng sapat na impormasyon at kamalayan ang mga estudyante at mga guro hinggil sa estilo ng pangre-recruit ng CPP-NPA-NDF sa mga paaralan.

Nagbigay rin ng kaalaman ang kapulisan hinggil sa anti-drug campaign at Anti-Rape Law sa mga estudyante bilang babala sa maging kahahantungan nila kung lalabag sa batas.

Pinasalamatan naman ng buong pamunuan ng Mapulot National High School ang mga awtoridad sa kanilang adhikain na mabigyan ng sapat na karunungan at kamalayan ang mga kabataan at estudyante hingil sa tunay na layunin ng CPP-NPA-NDF.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble