NA-promote sa kanilang mga posisyon ang mahigit 11k Philippine Coast Guard (PCG) personnel.
Pinangunahan ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu, ang donning and oath-taking ceremonies sa mahigit 11,000 PCG non-officers.
Ginanap ito nitong araw ng Lunes Setyembre 18, 2023, sa National Headquarters, Port Area, Manila.
Sa kaniyang talumpati, ipinunto nito na ang nasabing promosyon ay simbolo hindi lang ng kagalingan sa kani-kaniyang trabaho kundi maging sa katapatan ng mga ito sa ahensiya lalo na sa mandato nilang tumulong at magsagip ng buhay.
Hinimok ng opisyal ang mga kawani nito na ipagpatuloy ang dedikasyon sa trabaho at maging huwaran sa iba na malagpasan ang mga naunang katagumpayan sa sarili at sa buong organisasyon.
