Patuloy na makakaapekto ang easterlies sa Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas.
Ayon sa PAGASA, magdudulot ito ng mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Partikular na makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Metro Manila, Visayas, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at mga lalawigan ng Aurora, Bulacan, at Isabela.
Ang Batanes, Babuyan Islands, at Ilocos Norte naman ay makararanas ng maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan dahil sa northeasterly windflow.
Samantala, makakaranas ng maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan ang Mindanao dahil sa mga lokal na pagkidlat-pagkulog.
