Muling napaaga ang pag-exit ni Emma Raducanu matapos talunin ng Chinese wild card na si Zhu Lin sa unang round ng Ningbo Open sa China noong Martes ng gabi sa iskor na 3-6, 6-4, 6-1.
Ang dating US Open champion at kasalukuyang British No. 1 tennis player ay humingi ng medical timeout ng dalawang beses dahil sa iniindang karamdaman—una sa second set habang 4-3 ang iskor pabor kay Zhu, at muli sa final set nang siya ay nasa 2-1 deficit.
Dahil sa limitadong galaw, mabilis na tinapos ni Zhu ang laban deciding set.
Noong nakaraang linggo, maaga ring tinapos ni Raducanu sa kaniyang kampanya sa Wuhan Open dahil sa pagkakasakit kung saan tinalo siya ng Amerikanang si Ann Li sa iskor na 6-1, 4-1.
