Mga pulis, idedeploy sa crime-prone barangays—PNP

Mga pulis, idedeploy sa crime-prone barangays—PNP

MAGDARAGDAG ang Philippine National Police (PNP) ng mga tauhan sa matutukoy na crime-prone barangays o mga barangay na maraming naitatalang krimen.

Ito ang iginiit ni PNP Public Information Office (PIO) chief PCol. Redrico Maranan bilang mas pinaigting na anti-criminality campaign sa ilalim ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda, Jr.

Ayon kay Maranan, magiging preemptive effort ang naturang hakbang upang mapigilan ang mga kriminal sa kanilang aktibidad.

Kinakailangan aniya ang kooperasyon ng mga opisyal ng barangay upang patuloy na mapanatili ang peace and order sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Binigyang-diin ni Maranan na mahalaga ang manpower ng mga nasa barangay lalo’t hindi nila kakayanin na bantayan ang bawat sulok ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter