Mga tanong sa COMELEC Debate, parang patutsada sa kasalukuyang administrasyon– Prof. Uy

Mga tanong sa COMELEC Debate, parang patutsada sa kasalukuyang administrasyon– Prof. Uy

PATUTSADA sa kasalukuyang administrasyon ang ibang tanong sa pinakahuling COMELEC Presidential Debate Part 2.

Ito ang obserbasyon ni Political Analyst Anna-Malindog Uy matapos isinama pa sa tanong ang hinggil sa kaso ni Leila De Lima.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi nito na malabo rin ang mga tanong.

‘’Una iyong mga questions nila malabo, may mga question na clear but there a lot of question na were ask but medyo malabo at magulo. Pangalawa iyong mga questions nila na iba, parang patutsada naman ng patutsada sa current administration at kay PRRD, imagine that? May question sila both EJK, may question sila about drug war at tsaka iyong kaso nila ni Senator Laila De Lima ay kailangan pa bang itanong iyan sa isang presidential debate?’’ ayon kay Prof. Uy.

Pagdating sa usapang foreign policy, sinabi rin ng propesor na halatang wala talagang alam ang iba hinggil sa foreign policy.

Si Senator Manny Pacquiao pa aniya habang sumasagot sa mga tanong ay para lang nagbo-boxing habang si Manila Mayor Isko Moreno ay parang nasa movie.

‘’Si Senator Manny noong sumagot siya sa mga questions on foreign policy and not even and not only both foreign policy, even other issues domestic para siyang isang boxer sa isang ring, hindi siya isang presidentiable na sumasagot. Iyon ang dapat niyang maintindihan. Sa isang Presidente kailangang maging diplomatic ka. Lalo na when you talk about relation right in other countries. Ito naman si Mayor Isko, ang ano ko naman diyan para naman siyang nasa movie, feeling niya section ang mga bagay-bagay feeling niya might believe lang,’’ paliwanag ni Prof. Uy.

Ayon pa sa Propesor, nakakahiya ang magkaroon ng presidentiables na gaya sa iilan na tumakbo sa pagka pangulo.

Paano na lang aniya sila haharap sa ibang world leaders kung wala silang alam sa mga bagay.

Pinaalalahanan din nito ang lahat na bantayan ang kanilang boto sa halalan at huwag hayaang mangyaring muli ang dayaan noong 2016 eleksiyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter