DALAWA ang kokoronahan sa edisyon ngayong 2023 ng Miss Grand Philippines.
Batay ito sa official Facebook post ng nabanggit na pageant.
Sa kasalukuyan ay hindi pa idinetalye ng Miss Grand Philippines kung ano ang 2 titulo na mapapanalunan.
Hindi din inanunsiyo ng pageant kung kailan nakatakda ang coronation night.
Sa interesado, ang kuwalipikasyon maliban sa pagiging Filipino citizen ay dapat at least 5’4 ang height at hindi pa ikinasal o hindi buntis.
Maaari itong ipadala sa [email protected].
Samantala, si Roberta Tamondong ang Binibining Pilipinas Grand International 2022, titleholder.