Enrile, inalok si BBM na kunin siya bilang defense lawyer vs estate tax issue

Enrile, inalok si BBM na kunin siya bilang defense lawyer vs estate tax issue

INAALOK ni dating Senate President Juan Ponce Enrile si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na kuhain sya bilang defense lawyer nito.

Ayon kay Enrile, ito’y para matulungan nya si Marcos hinggil sa estate tax issue nito.

Naniniwala naman si Enrile na kahit dalhin pa ng mga katunggali nito ang lahat na mga magagaling na abogado at iharap sa kanya, maipapanalo nya si BBM mula rito.

Batay sa ulat, aabot sa P203-B as of 2021 ang unsettled estate tax liabilities ng pamilya Marcos mula sa P23-B noong 1997.

Subalit nilinaw ni Enrile, hindi maaaring habulin si BBM dito at kung mayroon ngang tax liability, dapat ang Marcos estate mismo ang hahabulin.

Aniya, kung estate tax, ibig sabihin hindi ito buwis ni Bongbong o kahit kaninong myembro ng mga Marcos ang hindi nabayaran kundi ang mismong buwis ng estate ni Marcos Sr.

Sa kasalukuyan, si BBM lang ang tinitira ng mga kritiko hinggil dito sa umano’y estate tax issue.

BASAHIN: Pahayag ni VP Leni na maraming boboto sa kanya sa bayan ng Alcala, kasinungalingan – Enrile

Follow SMNI NEWS in Twitter