NAGLUNSAD ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila katuwang ang Manila City Library ng Mobile library for preschool sa Brgy. 342 sa Sta. Cruz Manila.
Ito’y upang mabigyan ng ibang paraan ang mga estudyante na matuto at makatutulong sa pag-develop ng kanilang kaisipan.
Isa sa prayoridad ng pamahalaan na pagyamanin ang edukasyon ng mga kabataan sa ano mang paraan hindi lang sa natutunan nila sa kanilang paaralan.
Mahigit 85 na mag-aaral ng preschool mula sa Brgy. 342 sa Sta. Cruz ang nakisaya at sama-sama sa pagbabasa ng libro, coloring book, board games tulad ng chess, pelikulang may kapupulutan ng aral at iba.
Sa munting paraang ito, malaking bagay naman ito sa mga estudyante sa kanilang paghahanda sa susunod na hakbang ng edukasyon.
