ITINANGGI ni Moira dela Torre na may kinukuha siyang ghostwriter para sa kaniyang mga kanta.
Kasunod ito sa sinabi ng songwriter na si Lolito Go na may pag-uusap sila noong nakaraang taon ni Moira.
Sa rebelasyon, sinabi ni Lolito na naitanong na umano ni Moira kung magkano ang kaniyang talent fee para maging ghostwriter nito.
Depensa naman ni Moira sa kaniyang Instagram post, wala siyang kinukuhang ghostwriter at pawang mga collaboration ang ginagawa niya sa pagitan ng iba’t ibang talented artists.
Hinggil naman sa cheating allegations, itinanggi rin ni Moira ang sinasabing siya ang unang nagloko sa naging relasyon nila ng kaniyang dating asawa na si Jason Hernandez.
Matatandaang nauna na ring sinabi ni Lolito na bago pa umano umamin si Jayson sa kaniyang “cheating” ay may nahanap ng iba si Moira.
