Natitirang concert ni Gary V, ipinangako nitong tatapusin

Natitirang concert ni Gary V, ipinangako nitong tatapusin

IPINANGAKO ni Gary Valenciano na kukumpletuhin at tatapusin niya ang lahat na schedules ng kaniyang Reenergized 2023 Tour.

Sa kabila ito ng pagkakaroon niya ng problema sa kalusugan kasabay ang pagpapaliwanag kung bakit “on hold” pa ang ticket selling para sa kaniyang Repeat Concert sa Music Museum, San Juan, Manila sa susunod na buwan.

Nauna nang inanunsiyo ng asawa ni Gary V na nagkaroon ng pneumonia ang singer sa gitna ng tour at pinag-iisipan nila kung ituloy nga ang natitira pang concert schedules.

Buti na lang aniya at “improving” na ang kalusugan ni Gary at kayang-kaya nitong matapos ang schedules ng concert.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble