IBINAHAGi ng superstar at national artist na si Nora Aunor na isasapelikula ang kaniyang buhay.
Aniya magkakaroon ng audition kung sino ang gaganap ng kaniyang papel sa pelikula.
At hindi aniya isang pelikula lang ito kundi gagawin itong trilogy movie.
Ito ay dahil sa dami ng pinagdaanan sa buhay ng superstar at tiyak na hindi magkakasya sa iisang pelikula lang.
Samantala, pinasalamatan naman ni Nora Aunor ang Diyos dahil buhay pa siya at malusog hanggang ngayon at hindi na labas-pasok sa ospital.
