NAGTALA ng pinakamalaking first day sales ang official debut solo album na “D-Day” ng K-pop superstar ng BTS na si Suga.
Umaabot sa mahigit 1 milyong kopya ng “D-Day” ang nabenta ayon sa isang album sales tracker.
Nalampasan nito ang record ng ka-band mate nito na si Jimin sa kaniyang album na “Face”.
Ang bagong album ni Suga ay binubuo ng sampung kanta, ito ay ang “Haegeum”, “People Pt. 2”, “D-Day”, “HUH?!”, “Amygdale”, “SDL”, “Polar Night”, Interlude: “Dawn”, “Life Goes On”, at “Snooze”.
Kasabay ng paglabas ng kaniyang bagong album, opisyal na rin nitong gagamitin ang ‘Agust D’ na screen name para sa individual singing career nito.
Sisimulan din ng K-pop star ang kaniyang “Suga | Agust D-Day Tour,” simula Abril 26-27 sa UBS Arena sa New York.