NANINIWALA ang Department of Justice (DOJ) na hanggang sa kasalukuyan ay narito pa rin sa Pilipinas o hindi pa nangibang bansa ang wanted na si dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.
Ipinaliwanag ni Justice Secretary Crispin Remulla na ito’y dahil nagkaroon ng bisa at pinapairal na ang Hold Departure Order (HDO) laban kay Bantag.
Nilinaw ng DOJ, kasunod ng inilabas na warrant of arrest ng korte sa Muntinlupa City, at Las Piñas Regional Trial Courts (RTC) ay awtomatikong paiiralin ang HDO.
Inilabas ang warrant of arrest kaugnay sa pagpaslang sa Bilibid inmate na si Cristito Villamor Palaña at radio broadcaster na si Percy Lapid.
