Oil price rollback, ipatutupad ng ilang kompanya ng langis simula bukas

Oil price rollback, ipatutupad ng ilang kompanya ng langis simula bukas

SA ikalawang sunod na linggo ay may rollback na naman sa petrolyo bukas, Agosto 17, araw ng Martes.

Sa abiso ng Pilipinas Shell, Seaoil at Caltex, nasa 30 sentimos ang bawas-presyo sa kada litro ng kanilang Diesel habang 40 sentimos naman sa kada litro ng kanilang Kerosene.

May kapareho ring rollback sa Diesel ang Petro Gazz, Cleanfuel, at PTT Philippines.

Habang walang paggalaw sa presyo ng gasolina sa mga nabanggit na kompanya.

Pawang epektibo ang price adjustment, alas sais ng umaga bukas maliban sa Caltex na alas 12:01 ng umaga bukas at CleanFuel na alas 8:01 ng umaga.

SMNI NEWS