Online na bentahan ng mga imported na paputok, sisilipin ng PNP

Online na bentahan ng mga imported na paputok, sisilipin ng PNP

PINASISILIP na ng Philippine National Police (PNP) ang mga nasa likod ng bentahan ng mga imported na mga paputok sa internet o online.

Ito’y upang maiwasan ang paglaganap ng aksidente o disgrasya sa paggamit ng ipinagbabawal at malalakas na paputok ngayong Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon.

Base sa Republic Act No. 7183, ang mga lalabag ay mahaharap sa multa na aabot sa P30,000 o pagkakulong ng hanggang isang taon o parehong ipapataw alinsunod diskresyon ng korte.

Ang kanilang license at business permit ay ikakansela rin habang ang kanilang mga stocks ay kukumpiskahin.

Kaugnay dito, nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa mga tauhan ng PNP Anti Cybercrime Group upang tukuyin at hulihin ang mga iligal na nagbebenta ng mga ipinagbabawal at imported na paputok sa bansa.

Base sa impormasyon na inilahad ng PNP, ipinagbabawal ang mga paputok o firecrackers na may mga katulad na sumusunod na katangian gaya ng:

  • Overweight (hindi hihigit sa 0.2-gram o hindi hihigit sa one third ng teaspoon)
  • Oversized gaya ng super lolo, giant whistle bomb, at iba pa
  • Fuse na hindi dapat masunog ng wala pang tatlong segundo subalit hindi hihigit sa anim na segundo
  • Imported finished products
  • Mixture ng phosphorus o sulfur na mayroong chlorate

Nito lamang Disyembre 8 nang opisyal na isinapubliko ang mga ipinagbabawal na paputok sa bansa gaya ng: Goodbye Bading, Goodbye Covid, Kwiton Parachute, Kwiton Bomb, Bin Laden, Special Pla-pla, Kabasi, Atomic, Coke-in-Can, Ggiant Atomic at Goodbye Philippines.

Hinihikayat din ng PNP ang publiko na tangkilikin ang paggamit o pagbili ng mga gawang lokal bilang suporta sa industriya nito.

Bagama’t napansin ng PNP na kailangang palitan ng mga manufacturers ang paggamit ng Chinese label sa mga fireworks display upang hindi mapagkamalang imported.

Follow SMNI News on Twitter