SINISIMULAN na ngayon ang water system sa Marawi City na nagkakahalaga ng P400-M mula sa pondo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) government.
Pinangunahan ng mga BARMM official at Minister Naguib Sinarimbo ng Ministry of the Interior and Local Government ang groundbreaking ceremony sa Barangay Pugaan sa Marawi.
Ayon pa kay Sinarimbo, ang Marawi Water Construction and Rehabilitation Project ay isang joint venture ng BARMM at ng provincial government ng Lanao del Sur.
Pakikinabangan ng 40 barangay ang nasabing proyekto na hindi sakop ng Task Force Bangon Marawi Rehabilitation Project.
Matatandaang, inaprubahan ng national government ang P3.56-B na pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi City kasunod ng pag-atake at pagsakop ng Maute terrorist group sa nasabing syudad.
BASAHIN: Rehabilitasyon sa Marawi City, 65% nang tapos— Del Rosario
