Pagkikita ni Kim Jong Un at President Putin sa Russia, posibleng maging mitsa at sanhi ng WWIII

Pagkikita ni Kim Jong Un at President Putin sa Russia, posibleng maging mitsa at sanhi ng WWIII

NAKIKITA ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na isang delikadong hakbang ang naging pagpunta ni North Korean Leader Kim Jong Un sa Russia at pakikipagkita kay Russian Pres. Vladimir Putin.

Sa kaniyang programang Give Us This Day araw ng Miyerkules, inilahad ni Pastor Apollo na posibleng maging mitsa ito upang pagsimulan ng ikatlong digmaang pandaigdig.

Ito ay kasunod ng mga ulat na posibleng pagsusuplay ng armas ang naging pangunahing dahilan ng pagpunta ni Kim sa Russia na pinangangambahan naman umano ng mga kanluraning bansa.

“So, may mga reaksyon ‘yan e. Kung anong ginagawa nong isang kalaban mo, kung maaari mong gawin, gagawin mo rin. So ngayon, nagtutulungan na sila. Papunta na ito sa tinatawag na World War III, malaking tribulation ito. Ito ‘yung magiging mitsa kung hindi ito mapigilan, ito ang magiging mitsa ng Third World War,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Kingdom of Jesus Christ.

Ayon kay Pastor Apollo, madali lamang madala ang mga armas na ito kung hilingin ng Russia dahil ang North Korea ay konektado sa Mainland China at doon naman ito idadaan patungo sa Russia.

“Eh pumupunta si Kim Jong Un sa North Korea because North Korea connected yan sa Mainland China, through China papuntang Russia, boundary yan e. Nagte-train lang ‘yan pero kung magsuplay ng armas yan, hindi yan mag eroplano by train na lang, underground pa eh di wala nang hinto. Naku matindi ito, si Kim Jong Un pa naman palaban masyado,” dagdag ni Pastor Apollo.

Ayon sa butihing Pastor, upang mapigilan ang paglala ng sitwasyon ay kinakailangang tigilan na ang pagsusuplay ng armas pandigma sa dalawang panig lalo na sa Ukraine na matagal nang sinusuplayan ng armas ng mga kanluraning bansa.

Posible rin umanong hindi lamang North Korea ang tumulong sa pagsusuplay sa Russia kundi pati ang Iran at iba pang mga bansa na katuwang ng Moscow.

“So mga malalakas na armas na ang ginagamit ngayon at hindi pa nagkakaubusan. Marami nang sundalo namamatay both sides, eh ngayon kung di pa mapipigilan ‘yan eh gagawa rin ng paraan ‘yung kabila tulad ng Russia na bawat limang segundo yata nagpapaputok na sila ng missiles ng kanilang multiple rocket launchers, nagtitirahan na sila sa kanilang mga capital cities, naku delikado ito kaya to avert this, maghinto na ‘yung pagsusuplay ng mga armas, kailangan mag-usap na,” ayon pa kay Pastor Apollo.

“So matatandaan na una nang nagsuplay ang mga kanluraning bansa, Estados Unidos at mga pinagsama-samang bansa sa Europa ng mga armas pandigma sa Ukraine sa simula pa lamang ng military intervention ng Russia sa Ukraine sa pag-aakalang kung sila’y magtutulungan, magagapi nila ang Russia. Eh inu-under estimate mo ang kalaban, hanggang ngayon hindi pa naubos ang missile nila, mayroon namang isang magsusuplay ay sino pa ‘yung iba baka may Iran pa diyan, baka may iba pang mga bansang katuwang ang Russia,” diin ng butihing Pastor.

Matatandaan na unang nag-ugat ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine sa hindi pagtupad ng Ukraine sa Minsk Agreement o pagtigil sa pagpatay at diskriminasyon sa Russian-speaking people sa Donbass Region na sakop ng Ukraine.

Sa huli, sinabi ni Pastor Apollo na dahil ayaw magpatalo ng dalawang panig ay posibleng walang manalo at maging mutual assured destruction ang kalabasan ng digmaang ito at ang pinakanakakatakot na sitwasyon ay gumamit na ang mga ito ng nuclear missiles na posibleng maging sanhi ng pagkawasak ng mundo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter