Paglaganap ng US military aircraft sa bansa, dumaan sa diplomatic clearance—AFP

Paglaganap ng US military aircraft sa bansa, dumaan sa diplomatic clearance—AFP

IGINIIT ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na dumaan sa diplomatic clearance ang pagpasok at paglapag ng iba’t ibang military assets ng Amerika sa bansa.

Sa panayam ng media kay AFP spokesperson Col. Medel Aguilar, ipinaliwanag nito na dumaan sa tamang proseso ang pahintulot sa pagpasok ng nasabing US military aircrafts sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nauna na itong inalmahan ni Senator Imee Marcos kasabay ng kagustuhan nitong paimbestigahan ang nasabing isyu sa usapin ng legalidad sa pagdating ng mga assets na ito.

Paliwanag din ng tagapagsalita ng Philippine Air Force, bahagi lang ang mga ito sa kasalukuyang pagsasagawa ng cope thunder 2023 (CT PH 23-2) exercises katuwang ang US Air Force na nagsimula nitong nakaraang linggo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter