Paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa sa TUCP grounds, pinangunahan ni PBBM

Paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa sa TUCP grounds, pinangunahan ni PBBM

PINANGUNAHAN ngayong araw ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang paglulunsad ng “Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa” sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Compound sa Quezon City.

Kasama sina Labor Secretary Benny Laguesma at Trade and Industry chief Fred Pascual, ininspeksyon ng Pangulo ang Kadiwa stalls sa lugar.

Ang “Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa” ay expansion ng Kadiwa Program na layuning magbigay ng abot-kaya at kalidad na mga produkto sa pamamagitan ng direct farm-to-consumer trade.

Sa isang talumpati, tiniyak ni Pangulong Marcos na pararamihin pa nila ang “Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa” kung saan natukoy na aniya nila ang maraming lugar na maaring paglagyan nito.

Siniguro din ng Punong Ehekutibo na magpapatuloy ang mga ganitong programa hanggang bumaba ang presyo ng mga bilihin.

Follow SMNI NEWS in Twitter