Sunod-sunod na lindol sa Davao de Oro, inaasahan dahil sa maraming fault line—OCD

Sunod-sunod na lindol sa Davao de Oro, inaasahan dahil sa maraming fault line—OCD

INAASAHAN na sa Davao de Oro na magkakaroon ng sunod-sunod na lindol lalong-lalo na kung mahigit magnitude 5 ang tumatama.

Ito’y dahil ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) Region 11 Chief of Operations, spokesperson Franz Irag sa panayam ng SMNI News, may 5 fault system ang kanilang lugar.

Hinggil naman sa pangamba ng mga nakatira malapit sa aktibong underwater volcano sa Davao de Oro na Mount Leonard Kniaseff, ito ang dahilan sa mga pagyanig.

Sinabi ni Irag na sinusuri pa ito ng mga eksperto.

Nitong Martes ay niyanig ng magnitude 6.2 at magnitude 5.9 na lindol ang Davao de Oro partikular na sa New Bataan.

Ayon sa OCD, partial at minor damages lang ang mga naiulat na pinsalang dulot ng naturang mga pagyanig.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter