Pagsuot ng face mask, required sa basaan sa Wattah Wattah Festival bukas

Pagsuot ng face mask, required sa basaan sa Wattah Wattah Festival bukas

ALL set na ang mga aktibidades para sa Wattah Wattah Festival bukas sa San Juan City.

Isa na rito ang tradisyonal na basaan na matapos ang 3 taon ay muling maisasagawa ng mga residente mula 7 am-1 pm.

Pero mahigpit na paalala ng San Juan City Government, na istriktong ipatutupad ang mga health and safety protocols sa kapiyestahan sa ilalim ng Alert Level 1.

Kabilang na rito ang pagsusuot ng face mask habang magsasagawa ng tradisyonal na basaan.

Sinabi ni Mayor Francis Zamora na base sa guidelines ng pandemic task force ay pinapayagan ang nasabing pagdiriwang sa ilalim ng Alert Level 1.

Sa gagawing basaan, ipinagbabawal ang paggamit ng maruming tubig, tubig na nakalagay sa anumang materyal na maaaring makasakit, water bomb, sapilitang pagbubukas ng anumang sasakyan at pagpasok sa mga pampublikong sasakyan upang mambasa ng mga pasahero.

Huhulihin at pagmumultahin naman ang mga indibidwal na lalabag sa mga alituntuning nabanggit.

Multa sa mga lalabag sa alituntunin ng Wattah Wattah Festival

1ST Offense: Multang P2,500 at 1 araw na community service

2ND Offense: Multang P3,500 at 3 araw na community service

3RD Offense: Multang P5,000 at 1-6 na araw na pagkakakulong

SOURCE: San Juan City Government

Bukod sa basaan, may handog na libreng concert at fireworks display ang LGU.

Magsasagawa rin ng street dancing competition.

Follow SMNI News on Twitter